Totoo. Napakahirap ma-unlock lahat ng mga baril sa Warzone 2.0 lalo pa’t may ilang weapons na nakadugtong sa pag-level up ng iba pang weapons.
Ngunit may mas mabilis na pamamaraan pala kung paano magawa ito sa parehong Warzone 2.0 at Modern Warfare 2 multiplayer. Ito ay sa paggamit ng DMZ, ang bagong extraction style mode na hinango mula sa laro tulad ng Escape mula sa Tarkov.
Kapag kasi naka-survive ka at naka-exflitrate na may contraband weapon sa DMZ, awtomatiko itong na-uunlock sa ibang game modes kung kaya’t maiiwasan mo na ang pagkainip at pagkapagod sa grind.
Mag-exfiltrate ng weapons sa DMZ para ma-unlock ang guns sa Warzone 2.0
Lahat ng items na makukuha sa DMZ match ay mailalagay mo sa iyong storage kapag tagumpay kang makakalabas sa Al Mazrah. Kasama na dito ang contraband weapons o mga baril na na-loloot mo at na-eextract.
Maaari itong mapulot sa ground loot, kalabang players o di kaya naman ay sa kalabang AI. Ang weapons na ito ay maaaring may karga ng hanggang limang random attachments, o di kaya naman ay attachments na inilagay ng kalaban bago mo ito makuha.
Ngunit kapag nailagay na sa storage mo ang baril, ma-uunlock na ito sa Warzone 2.0 at Modern Warfare 2. Halimbawa, kung ma-eextract mo ang isang Lachmann Sub SMG, maaari mo na itong gamitin sa dalawa pang game modes kahit pa hindi mo pa na-uunlock ang Lachmann-762 o ang Lachmann-556.
At kahit pa mawala sayo ito sa susunod mong match, permanente na ang pagkaka-unlock nito sa iba pang modes.
Hindi mo na nga din kailangang hanapin pa ito. Kung bago kang player na may kasamang experienced players sa team na nakuha na ang gusto nilang weapons, maaari na silang magload in sa Al Mazrah kasama ka, i-drop ang weapon, at ipapulot sayo ito.
Biyaya ito para sa players na kapos sa oras mag-grind o di kaya naman ay gustong laktwan ito para ma-unlock ang weapons sa laro.
Partikular na nakakatulong ito kung kailangan mong makuha ang Kastov-74U, Vaznev-9K, at Minibak.
Isa itong halimbawa kung papaano hinahawakan ng Infinity ward ang tatlong laro. Bagamat may sari-sarili itong mga pokus ay nanatili pa rin ang cross-progression sa mga ito na lalong mang-eengganyo sa mga players na laruin ang iba’t-ibang modes.
I-like at i-follow ang Facebook page ng ONE Esports Philippines.