Bagamat siya ay isang mahiyaing bata, hindi hinaayan ni Ge Gaming maging hadlang ito sa kaniyang pangarap maging isang streamer ng Call of Duty Mobile.
Sa murang edad na 13 years old, si Ge Gaming, real name Keizer Asto, ay mayroong higit na 100,000 followers sa kaniyang streaming page sa Facebook.
Kwento ni Ge, inudyok siya ng kaniyang kuya na magsimula mag-stream, dahil nakitaan niya ito ng galing sa paglalaro ng games.
Nagsimula si Ge sa mga laro tulad ng Crossfire at Rules of Survival, at noong nadiskubre niya ang larong Call of Duty Mobile, wala na siyang binalikan pa.
Kahit na siya ang tinatawag mong “camera shy”, nagpursigi pa din si Ge sa kaniyang streaming career.
“Mahiyain po ako sa mga viewers, mahiyain po ako. Kasi may cam na po ako agad non eh, nakikita na po agad yung mukha ko, then nahiya po ako non noong una, then nagtuloy-tuloy nalang po ako, di ko nalang po pinansin yung mga nang-aano sakin,” ani ni Ge.
Studies at Gaming? Paano ito ginagawa ni Ge Gaming?
Baka mapatanong ka, paano kaya nababalanse ng 13-year-old gamer na ito ang kaniyang mga modules sa kaniyang paglalaro ng games? Ang sabi ni Ge? Time management.
Nais din ni Ge maging isang good example sa mga kabataan ngayon, kaya pinagbubuti niya ang kaniyang pagaaral at streaming career.
“Binabalanse ko po yun. Sa umaga, module po ako, mga 2 subjects po then pagkatapos po non, subject pa po ulit, isa pa pong subject, then nag-stream po ako non, ginagawa ko po yun ulit yun. Stream po ako ulit then gagawin ko yung mga modules ko. Ganun po ako magbalanse ng modules at mga pag-stream. Kaya ko po I-balanse,” paliwanag ni Ge.
Dagdag pa niya, full support ang kaniyang mga magulang sa kaniyang streaming career.
“Supportive naman po sila sa pag-stream, wala naman po silang galit. Kasi okay lang naman daw yung pagaaral ko, nababalanse naman po daw,” sabi niya.
May forever sa gaming
Bagamat siya ay bata pa, sigurado si Ge na habangbuhay siya magiging isang gamer.
“Siguro buong buhay ko na to. Itong paglalaro. Pinasok ko po ito kasi gusto ko pong maging isang streamer na nakatulad ng iba na sikat. Gusto ko po ito ipasok kasi gusto ko rin po sumikat at maipakita sa kanila na in the future mayroon akong maipapakita sa kanila,” dineklara ni Ge.
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa mga balita, gabay, at highlights tungkol sa CoD.