Giit na sinabi ng Activision Blizzard na nananatili silang “committed” sa Call of Duty Mobile matapos sinabi ng Microsoft na maaring ma-phase out ang laro dahil sa paglabas ng Call of Duty: Warzone Mobile ngayong taon.
Nilabas ng Microsoft ang pahayag na ito sa Competition and Markets Authority (CMA) sa UK na kasalukuyang iniimbestigahan ang isinusulong na $69B na acquisition ng Activision Blizzard sa mobile FPS game na ito.
“Call of Duty: Mobile is expected to be phased out over time (outside of China) with the launch of Warzone Mobile,” sabi ng Microsoft.
Bagamat hindi ibinunyag ng Microsoft kung gaano katagal bago ma-phase out ang Call of Duty Mobile, hindi maiiwasan ang panic na nararamdaman ng mga players at fans ng mobile game.
Inaasahang ilalabas ng CMA ang kanilang final ruling sa April 26.
Activision: ‘Committed’ sa Call of Duty Mobile
“We are committed to Call of Duty: Mobile as an important part of the entire Call of Duty franchise and our overall mobile strategy,” sinabi ng kompanya sa Twitter.
“”We have the best fans in the world and intend to continue supporting the game with a robust roadmap of fresh new Call of Duty: Mobile content, activities, and updates for the long haul.”
Nagsilabasan ang mga pangangamba ng mga Call of Duty Mobile players noong March 8, dahil sa ongoing na negosasyon ng Microsoft para bilhin ang Activision Blizzard sa halagang $69 billion.
Nakatakdang lumabas sa global scene ang Warzone Mobile ngayong taon, at makakaranas na ang mga Apple at IOS users ng sarili nitong battle royale experience. Available na ang pre-registration para sa bagong laro na ito.
Parte ang Warzone Mobile sa pagtatangka ng Activision na pagsamahin ang Call of Duty franchise tulad ng kanilang mga teknolohiya, battle pass, progression, at iba pa.
Ngunit dito naiba ang landas ng Call of Duty Mobile, dahil mayroon itong sariling battle pass at seasons.
Ang pahayag ng Call of Duty Mobile ukol sa pagiging “committed” ng Activision sa kanilang laro ay parte rin ng kanilang stratehiya para manatiling invested ang mga players nito, na nangangamba sa kinabukasan ng kanilang paboritong mobile FPS game.
Ang Call of Duty Mobile ang isaa sa pinakasikat ng mobile titles ng Activision. Mahigit 650 million downloads ang nakuha nito noong 2022.
Dapat pa rin ba mangamba ang mga CoDM players?
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita tungkol sa Call of Duty.