Matapos ang pag-nerf sa sikat na Bren light machine gun, naghahanap ang mga players ng pamalit dito para sa Warzone sa Season 2. Ang Cooper Carbine ay isang fast-firing na assaulat rifle na maaring magbigay sa’yo ng lamang sa long-range na bakbakan sa Caldera, at nagiging isa ito sa pinakamalakas na baril sa laro kung may tamang attachments ito. 

Magkaibang-magkaiba ang PC at consle metas, ayon kay Kris “Swagg” Lamberson ng FaZe Clan, dahil sa kaniyang kakulangan sa field of view (FOV) slider sa console. Nakaaran lang ay nag-host si Swagg ng kaniyang kauna-unahang console-only tournament, at napansin niya na isang baril ang nanaig sa lobby. 

“The Cooper Carbine is the number one Warzone meta gun today. It dominates Warzone in console, and is actually currently dominating Warzone in general,” sabi ng FaZe streamer. 

Best gun para sa Warzone console: Cooper Carbine loadout, attachments, class setup 

COD Warzone Swagg Cooper Carbine loadout
Screenshot ni Koh Wanzi/ONE Esports
SLOT ATTACHMENT 
Muzzle MX Silencer 
Barrel 22″ Cooper Custom 
Optic SVT-40 PU Scope 3-6x 
Stock Cooper 45RS 
Underbarrel M1941 Hand Stop 
Magazine 9mm 60 Round Drums 
Ammunition Lengthened 
Rear Grip Polymer Grip 
Weapon Perk 1 Tight Grip 
Weapon Perk 2 Fully Loaded 

Ang build na ito ay nagpapataas ng fire rate sa isang fast-firing weapon, para dumagdag sa pag-improve mo sa iyong accuracy kasabay ang mga attachments para sa recoil control. Ito ay isang long-range class setup, kaya maganda itong ipares sa isang submachine gun para sa mga close-quarter na bakbakan. 

Ang MX Silencer, Cooper 45RS, m1941 Hand Stop, at Polymer Grip ay makakatulong sa accuracy at recoil control para gawing laser ang baril na ito sa long range. 

Kasabay niyan, ang 22” Cooper Custom barrel ay babawasan ang scope sway at gun bob habang pinapabilis ang fire rate. Para gawing mas malikot ang baril, ang 9mm 60 Round Drums ay nagpapataas pa lalo ng ADS speed at fire rate nito. 

Kinumpleto ito ng Tight Grip perk, para tumaas ang accuracy habang binabaril. Ito ay makakatulong kapag kailangan mong hanapin ang isang player mula sa malayong lugar. 

Nakasungkit ng 35 kills si Swagg gamit ang class setup na ito sa Quads mode ng Warzone, mahigit doble pa sa kaniyang mga teammates. Maari mong panoorin ang kaniyang full gameplay dito.