Napapaisip ka ba kung paano nabuo ang special forces units ng Call of Duty

Sa paglabas ng kaniyang pinakabagong main title, hinatid ng Activision ang isang Call of Duty Vanguard comic book series.

Hindi ito ang unang beses na naglabas ng ganito ang Activision. Sa mga dating titles tulad ng Black Ops 4, nag-publish din ang mga game developers ng graphic novels na ipinaliwanag ang mga main characters doon.

Ihinahahanda ng Call of Duty Vanguard comic sets ang mga fans para sa video game 

Sa pagbabalik ng Call of Duty franchise sa panahon ng Cold War era hanggang sa World War II, bibigyan tayo ng Vanguard comic book ng kaunting paliwanag kung kailan at saan nangyayari ang istorya sa world event na ito.

Binigyan pansin ng storyline ng comics ang simula ng special forces units noong 1944 na pinangunahan ng Call of Duty WWII character na si Captain Carver Butcher. 

Sa kaniyang paghahasa ng kaniyang special forces unit gamit ang isang “renegade spirit”, pumunta si Butcher sa France para hanapin si Sergeant Arthur Kingsley. Si Kingsley ay isa sa mga main characters na pinakita sa paparating na promotional materials ng laro. 

Pagkatapos magusap ng dalawa tungkol sa special operations, naiwanan si Kingsley ng mahirap na desisyon. Mananatili ba siya sa kaniyang pamumuno ng kaniyang British troop laban sa isang Nazi army o tutugunan niya ang kaniyang call of duty para iligtas ang mundo?

Libre ang comic book series sa official site ng laro, at mayroong total na anim na issues.

Maari mong basahin ang unang issue ng Call of Duty Vanguard comic dito

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa mga balita, gabay, at highlights tungkol sa CoD.