Nandito na ang bagong update ng Call of Duty Mobile, at maninibago na naman ang mga fanatics ng larong ito, lalong-lalo na sa mga BR mains diyan.
Ito ang iilan sa mga notable na mga pagbabago sa Battle Royale mode ng Call of Duty Mobile.
Bagong mapa sa Call of Duty Mobile Battle Royale mode
Oras na para magpaalam sa dati mong alam na mapa sa BR, dahil tatanggalin na ang iilan sa mga areas sa mapa at magkakaroon na ng panibaong spots para sa bakbakan.
Mawawala na ang Isolated Map na nakasanayan ng mga CODM players. Ang mga lugar na ito ay tatanggalin na sa mapa:
- Black Market
- Sanitarium
- Estate
- Circus
- Dock
Ngunit naghatid naman ang CODM ng mga bagong lugar tulad ng:
- Estates
- Hydro Dam
- Nuketown Island
- Construction Site
- Water Town
- Asylum
- Cargo Docks
Dagdag pa diyan, ang BR mode ay mayroon na ring night mode. Kaya kung mahilig ka mag-muni-muni sa ilalim ng buwan, maari ka nang mag-emote sa loob ng BR mode.
Bagong health system sa Call of Duty Mobile Battle Royale Mode
Ngayon na ang huling araw na maririnig mo ang sikat na linya na, “using adrenaline shot now” dahil bago na ang health system sa BR mode.
Hindi mo na maibabalik ang HP mo gamit ang hemostatic, med kit, o adrenaline, dahil kusa siyang babalik basta’t ikaw ay nasa loob ng safe zone. Ngunit paano ka mamatay? Kapag tuluyan nang nabasag ang iyong armor. Naghatid na rin ng mga panibagong klase ng armor plate ang CODM, tulad ng Amor Repair, Advanced Armor Repair, at Kinetic Armor Repair.
Para sa mga naguguluhan, ito ang katumbas ng mga bagong klaseng armor sa nakasanayan nating med kits:
- Armor repair = Hemostatic
- Advance Armor Repair = Med Kit
- Kinetic Armor Repair = Adrenaline
Bagong Backpack System sa Call of Duty Mobile Battle Royale Mode
Kung noon iisang klaseng Backpack lang ang meron sa BR mode, pwes, ngayon, umaabot na ito hanggang sa Level 3! Ang iba’t-ibang level ng Backpack ay mayroong mas maraming slots para sa mga bagay na pupulutin mo sa laro.
- Backpack 2 Extend to 6 Slots
- Backpack 3 Extend To 8 Slots
Bagong baril sa Call of Duty Mobile Battle Royale Mode
Mayroon na ring mga bagong baril sa BR mode, para mas marami ka nang pagpipilian. Ito ang mga bagong baril na hinatid ng CODM para sa’yo:
- Cordite
- Msmc
- Mk2
- By15
- Dlq 33
- Type 25
- Rpd
- Xpr-50
- Lk24
- Hg-40
- Arctic Mythic
- Holger Mythic
- Rus-79U
Bagong airdrop system sa Call of Duty Mobile Battle Royale Mode
Nag-iba na rin ang airdrop system sa BR! Kung dati, nag-aagawan ang mga players sa iisang airdrop, ngayon, mayroong dalawang klaseng airdrop na!
Laman ng normal aidrop:
- Kinetic Armor Repair
- Ballistic guns tulad ng Tempest, etc.
- Fhj na may 5 rockets
- Backpack Level 3
- Ammo
- 4.4x Tactical Scope
Arsenal Aidrop:
- Apat na loadouts ang pwedeng makuha (1 loadout kada player)
New mods sa Call of Duty Mobile Battle Royale Mode
Sawa ka na ba sa mga mods ng baril mo sa BR? Ngayon, marami ka nang pagpipilian na ilagay sa baril mo base sa kung anong gusto mong performance ng baril mo.
- Fast Ads
- Vertical Recoil Control
- Hip Fire Boost
- Lateral Recoil Control
- Extended Mag Sniper
- Long Barrel
- Precise Shot
- Sniper Expert
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, gabay, at highlights tungkol sa CoD.