Party time na sa Call of Duty Mobile matapos nilang ilabas ang Season 3 Update na may mga bagong mapa, weapons, at iba pa.
Alamin ang mga iilan sa mga patch notes sa Call of Duty Mobile Season 3, para mas makahanda ka sa mga ranked games at scrims mo.
Bagong Battle Pass sa Call of Duty Mobile Season 3
Siyempre, sa bagong update ng Call of Duty Mobile Season 3, may bago ring Battle Pass. Makukuha mo ang bagong Reactor Core Operator Skill sa Tier 14. Maari mong gamitin ang Skill na ito para painitin ang mga malalapit na kalaban gamit ang persisent radiation damage. Sa Tier 21 naman, maari mong ma-unlock ang bagong SMG na MAC-10. Kasama na sa Battle Pass ang iilang camos, Weapon Blueprints, at Cultural Export Calling Card sa Tier 50, kaya I-grind mo na yan!
Bagong mapa: Miami Strike
Para naman sa mga Multiplayer mains diyan, may bago nang mapa na ikaaliw niyo, at ang tawag dito ay ang Miami Strike map. Ang mapang ito ay unang nilabas sa Call of Duty: Black Ops Cold War. Sa mapang ito, mas maraming masisikip na lugar para mas maraming bakbakan ang magaganap. Gamitin mo na ang MAC-10 dito at panalo ka na.
Rework sa Trap Master skill sa Battle Royale mode
Kung noon ay ang triggering range ng Trap Master skill sa Battle Royale mode ay isang linya, ngayon ay pabilog na ito. Babagal ang kilos ng mga kalaban na papasok sa bilog na ito, katulad ng pagbagal ng mga kalaban na “madadapa” sa trip wire ng dating Trap Master. Maaring I-disassemble ng mga players ang trap para makawala dito.
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita at gabay tungkol sa CoDM.