Mahigit 650 million downloads ang natanggap ng paboritong FPS mobile game na Call of Duty Mobile, ayon sa Activision Blizzard.
Call of Duty Mobile dinownload ng mahigit 650 beses
Sumabay ang surge ng downloads na ito sa paglabas ng CODM sa China, isang malaking mobile market.
Sa pinakabagong annual report ng Activision, nagtala ang Call of Duty Mobile ng isang “record year” noong 2021, at lumagpas pa ng $1 billion ang consumer spending na nakita nila.
“The number of people experiencing Call of Duty on mobile each month almost matched those playing on console and PC in 2021”, sabi nila.
Tiyak na tuluyan pang dadami ang downloads na makukuha ng CODM dahil sa bawat bagong updates at modes na hinahatid tuwing bagong season.
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa CODM.