Kilala ang streamer na si Aydan Conrad bilang isang competitive icon sa Call of Duty: Warzone, pero ang estado na ‘to ay hindi hadlang para patawanin ang kanyang mga manonood.
Sa isang stream kamakailan, gumawa ang New York Subliners streamer ng kakatwang impersonation ng kanyang kapwa Warzone player na si Jordan “HusKerrs” Thomas.
Ang spot-on impersonation ni Aydan kay HusKerrs
Nasa huling parte na si Aydan ng kanyang broadcast at nakikipag-usap nang kaswal sa kanyang mga manonood nang bigla siyang nagbato ng mga joke at kalauna’y nag-impersonate ng iba’t-ibang tao.
At nang may isang manonood na nag-request na gayahin niya si HusKerrs, huminga siya nang malalim bago i-impersonate ang kanyang occasional teammate.
Kuhang-kuha niya ang vocal intonationas at speaking patterns ni HusKerrs. Nagkwento siya tungkol sa pagkainis niya sa mga stream sniper at sa aim assist.
Ang naging cherry on top sa kabuuang impersonation ng NYSL content creator ay nang gayahin niya ang reaksyon ni HusKerrs sa isang gifted sub challenge.
Bagamat madalas na mas mababa ang tone ng pagsasalita ni Hus, kuhang-kuha ni Aydan ang kanyang mannerisms at emotive moments.
Ang dalawang streamer ay madalas naglalaro nang magkasama sa Call of Duty: Warzone.
Mapunta tayo sa seryoso na usapan, sila Aydan at HusKerrs ang top guns ngayon sa Call of Duty: Warzone competitive scene.
Noong Hunyo lamang, naipanalo ng duo kasama si Rhys “Rated” Price ng 100 Thieves ang unang World Series of Warzone NA Trios.
Talaga namang tumpak ang impersonation ni Aydan kaya naman nakakasabik malaman ang reaksyon ni HusKerrs sa ginawa ng kanyang kaibigan.
Siguraduhing i-follow ang ONE Esports Philippines para sa mga balita, guides at highlights tungkol sa COD maging sa COD Mobile.
Basahin ang orihinal na katha ni Joseph “Jagwar” Asuncion ONE Esports.