Kinoronahan si Ashley Gosiengfiao bilang champion ng ONE Esports Call of Duty Warzone Showdown, matapos mag-withdraw si Een Mercado bilang parte ng tournament.
Matapos ang torneo, isa sa mga kakampi ni Een Mercado ay umamin na nandaya habang naglalaro sa nasabing palaro.
Bilang resulta ng mga pangyayari, inanunsyo na rin ni Een ang kaniyang pag-withdraw sa tournament.
Iniimbestigahan na din ng Activision Blizzard ang sitwasyon.
Dahil sa pag-withdraw ni Een Mercado sa tournament, ang US$5,000 na Champion’s prize money ay mahahati sa mga natirang teams.
Ang bagong prize money allocation ay:
- US$4,500
- US$2,250
- US$2,250
- US$1,500
- US$1,500
- US$1,500
- US$1,500
READ MORE: Alodia, Ashley binunyag kung sino sa kanila ang sasaksak sayo sa likod