Ang Goliath Clash ay ang panibagong game mode sa Call of Duty Mobile na kasama sa paglabas ng inaantay na Season 2 update.
Sariwang content ang inihatid sa Season 2 ng Call of Duty Mobile ngayong taon, tulad ng mga bagong mapa, weapons, game modes, at iba pang mga additional features.
Maari ring makakuha ng mga rewards ang mga players tulad ng mga operators, gun skins, camos, perks, at iba pa sa pamamagitan ng pag-level up nila ng kani-kanilang Battle Pass.
Isa sa mga kapansin-pansin na dinagdag sa bagong season ay ang Goliath Clash game mode.
Kasama ito sa bagong Diesel Multiplayer map at una itong nakita sa Call of Duty: Black Ops Cold War at ngayo’y nasa Call of Duty Mobile na.
Paano laruin ang Goliath Clash
Sa bagong mode na ‘to, papasok sa match ang mga players bilang isang Goliath at makikipagbakbakan sa isang Domination-style na paglalaro para makuha ang tatlong puntos sa mapa.
Ang Goliath ay isang mechanized armor suit na may nakakabit na mini-gun sa kamay, isang underarm rocket, at isang micro-rocket swarm launcher sa balikat.
Bigatin ang kanilang armor, kaya nitong tumanggap ng mahigit 100 rounds ng bala ng mga assault rifles. Lumalabas ito bilang isang scorestreak sa Multiplayer mode ng Call of Duty Mobile. Kailangan nito ng scorestreak na 775 para ma-activate.
Matatanggal lamang ang isang Goliath sa isang player kung may grappling hook ang kalaban na player.
Ang pag-capture ng isang punto ay magbibigay ng isang “battery drop” na maaring ikolekta para mapalakas o ma-upgrade ang mga kakayahan ng kanilang mga Goliath.
Layunin ng mga Goliath o players sa game mode na ito ay makakuha ng tatlong puntos sa mapa.
Maaring pang mapalakas ang mga Goliath gamit ang Blue, Red, at Silver power upgrades sa bagong Goliath Clash mode.
- Blue: Mas pinalakas na damage ng Melee weapon, bagong slide skill, at mas mabilis na movement speed
- Red: Maaring ma-equip ang Purifier, health boost, at mas mahinang incoming damage
- Silver: Mas pinalakas na firepower, damage, at health boost
Ang bagong Diesel map ay isang sira-sirang gas station na nasa disyerto. Mangyayari ang bakbakan sa loob at labas ng station at sa mga malalapitang shops, para sa mid hanggang long-range na combat sa mga maluluwag at masisikip na lugar.
Ano pa ang hinihintay mo? Subukan mo na ang bagong game mode na Goliath Clash sa Call of Duty Mobile!
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Call of Duty Mobile.