Maraming pagbabago ang hatid ng Warzone 2.0, gaya na lang ng 2v2 Gulag, reworked loadouts, at bagong circle mechanic na maaaring baguhin ang pamamaraan kung paano mo ikutan ang mapa.

Ang ‘circle’ ang pinaka-importanteng feature ng mga battle royale. Bawat laro ay may sariling version nito — mula sa storm ng Fortnite, hanggang sa Ring na tinatawa ng mga Apex Legends players. Sa Warzone, ang circle naman ay tumutuok sa deadly gas.

Pinapaliit ng naturang circle ang playing area para mapwersa ang mga natitirang player na magharap hanggang sa isang squad na lang ang natitira.

Nagpakilala ng bagong atake sa circle ang Warzone 2.0. Sa ilang games, normal ang pagliit ng circle. Sa iba, medyo tricky — maaari kasing mag-split sa mas marami pero mas maliliit na circles, at kalaunan ay mabubuo rin.



Paano gumagana ang bagong Warzone 2.0 circle?

Ano ang Warzone 2.0 circle: Multiple circles, splits, at merges
Credit: Activision Blizzard

Pag nag-split ang circle, ang mga nabuong cricle ay tiyak na mas maliit kumpara sa regular na circle collapse. Gayunpaman, nakadepende pa rin ito sa kung gaano ka-early o ka-late nangyari sa laban ang pag-split ng circle.

‘Pag nangyari ‘to asahan ang mas maraming close-quarters combat. Maghanda ng mga weapon gaya ng SMGs, na kadalasan ay sa late game lang nagagamit, ay kakailanganin na rin sa mas maagang punto ng laro.

Maaring magkaroon ng hanggang sa tatlong circles sa isang pagkakataon, at ang split ay maaaring mangyari ano mang oras sa pagitan ng una at dalawang huling collapses.

Posible rin na makipagbarilan sa mga kalaban mula sa ibang circle, kahit pa mas mahirap silang makita. Ang mga snipers na magaling umasinta ay maaaring makakuha ng kills kontra sa mga kalabang naka-focus lang sa circle kung saan naroon sila.

Makatutulong din ang Gas Masks at Stims para makalipat ng circle, lalo na kung na-pin down ka sa una mong kinalalagyan.

Ang bagong lineup din ng vehicles sa laro, mula ATV hanggang sa cargo truck, ay makatutulong din para maunahan ang pag-collapse ng circle.

Lahat ng circle ay magsasama-sama ulit bago matapos ang laro na parang Venn diagram. Importante ang Tac Map para makapagplano ng susunod na hakbang, dahil pinapakita nito ang lokasyon ng susunod na circle.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Warzone 2.0, i-check out ang blog post ng Activision Blizzard.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Sharlene San Pedro ipinakita ang kanyang pagmamahal sa CODM sa kanyang grad pic