Apat na araw na lang at may face off ang celebrity streamers at sisters na si Alodia at Ashley Gosiengfao sa One Esports Call of Duty: Warzone Showdown, ngunit may nauna nang head-to-head showdown ang magkapatid.
Sa unang minigame, ang magkapatid ay naglaro sa isang game na tinatawag na “Would you rather?” kung saan bawat isa sa kanila ay ipagtatanggol ang kanilang choices sa Warzone.
Sino sa magkapatid ang babaril sa iyo sa likod, at sino nga ba sa kanila ang mas pipiliin ang knife para sa extra style points? Maiging panuorin mo ang video na ‘to para malaman.
Sa ikalawang minigame, ang magkapatid ay naglaro ng Compliment Showdown kung saan salitan silang pupuriin ang isa’t isa.
“I love your thiccness,” nabanggit ni Alodia.
Sa game three, ang magkapatid ay nagpaka-oldschool sa isang 90’s style wrestling promo kung saan ipinakita nila ang kanilang champion para sa Sabado.
Sino sa tingin mo ang may pinakamagandang promo?
Abangan si Alodia at Ashley sa Sabado sa kanilang pag-compete sa ONE Esports Warzone Showdown kasabay ang anim pang ibang celebrity streamers para sa prize pool na US$15,000.
Panoorin rin ang lahat ng action sa Twitch, YouTube, o Facebook channels, at i-bookmark ang aming event site to para maging updated sa ONE Esports Call of Duty: Warzone Showdown.