Ni-rework ng Call of Duty Warzone 2.0 ang iilang pamilyar na sistema sa battle royale game, tulad ng bagong circle mechanic, 2v2 Gulag, at panibagong armor system.
Binago ng bagong armor plates system ang isa sa pinakaimportanteng gameplay loops. Importante ang armor para manatiling buhay sa Al Mazrah – ngunit hindi ito kasing simple nang paghanap ng armor plates at paglagay ng mga ito sa tatlong slots.
Hinatid ng bagong sistema ang isang panibagong strategic depth para mas mahirap na makuha ang maximum protection. Tignan ito at kung ano ang kailangan mong gawin.
Bagong armor plates system ng Warzone 2.0, ipinaliwanag
Ang pag-spawn ng may dalawang armor plates tulad ng dati ay parehas pa rin sa Warzone 2.0 Ngunit hindi mo pa magagamit ang pangatlo mong armor slot, kahit na makahanap ka pa ng armor plate, kaya ibig sabihin ay mas matagal pa bago mo ma-max out ang iyong armor.
Sa halip ay kailangan mong makahanap ng Armor Vest, maaring galing sa ground loot o sa isang player. Maari ka nang magkaroon ng tatlong active armor plates ‘pag may vest ka na.
Dagdag pa riyan, ang mga quality-of-life improvements ay hahayaan kang malaman kung anong level ng armor ang mayroon sa isang kalaban, tulad ng sa Apex Legends. Kapag bumaril ka sa isang kalaban, mga color-coded hitmarkers at isang armor icon ang lalabas – ang ibig sabihi ng isang purple color ay mayroon silang tatlong armor plates, habang ang isang asul na kulay ay nangangahulugang wala silang vest.
Nagbibigay ito ng importanteng impormasyon kung dapat bang tumuloy sa pagpatay ng isang tao o pag-atras hangga’t ika’y mas equipped na.
Sa pag-plating, ang isang bagong plate ay mag-hi-heal para sa isang full plate. Ibig sabihin nito ay kung nasa isa at kalahating plates na ang plate health mo, ang paggamit ng bagong plate ay magbibigay saiyo ng dalawa at kalahati. Dati, ang pag-repair ng isang damaged plate ay uubos ng isang full plate.
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa CoD.