Binago ng Warzone 2.0 ang iilang key mechnics sa patok na battle royale ng Call of Duty. Naghatid ito ng panibagong circle mechanic, isang 2v2 Gulag na kung saan pwede kang makipag-team up sa kalaban mo, at isang panibagong armor plating system.  

May mga pagbabago rin sa mga perks. Hindi mo na pwedeng ma-customize any iyong sariling perk package at pumili ng mga perks nang paisa-isa. 

Sa halip niyan, ang 17 perks ng laro ay nilagay sa iba’t-ibang walong kombinasyong perk packages. Pipiliin mo na lamang ang pinaka-angkop sa iyong playstyle kahit hindi talaga ito ang ninanais mo.  

Tignan ang mga best perk packages sa Warzone 2.0  

Lahat ng perk packages sa Warzone 2.0  

COD Warzone 2.0
Credit: Activision Blizzard

Sa Modern Warfare 2 multiplayer, inayos ang mga perks ayon sa Base, Bonus, at Ultimate perks. Ang Base perks ay active na sa umpisa pa lang ng laro, ang Bonus perks ay magiging active matapos ang apat na minuto, at lalabas naman ang Ultimate perks matapos ang walong minuto.  

May dalawang Base perks, isang Bonus perk, at isang Ultimate perk ang bawat perk package.  

Base perks 

PERK DESCRIPTION 
Overkill May dalawang primary weapons 
Double Time Double ang tagal ng Tactical Sprint.  Bumilis ang crouch movement speed nang 30%. 
Battle Hardened Humina ang epekto ng enemy flash, stun, EMP, gas grenades, at shock sticks. Immune sa snapshot grenades.  
Scavenger Resupply ng ammo at isang extra plate mula sa mga napatay na players.  
Bomb Squad Reduced damage ang matatanggap mula sa isang non-killstreak explosives. Ma-re-reset ang fuze timers sa tuwing pupulot ng live grenades.  
Tracker Magiiwan ng footprint trail ang mga kalaban, at makikita ang enemy death markers. Nakatago ang kill markers mula sa team ng kalaban.  
Strong Arm Magtapon ng mga equipment nang mas malayo at makakita ng isang preview ng trajectory nito. 

Bonus perks 

PERK DESCRIPTION 
Resupply Mag-spawn nang may karagdagang Letha. Mag-recharge ng equipment nang mas higit sa 30 seconds.  
Spotter Mag-spot ng enemy equipment, field upgrades, at killstreaks na tagos sa pader. Ito ay highlighted ng aiming down sights para sa team. I-hack ang enemy claymores, proximity mines, C4, at trophy systems.  
Cold-Blooded Undetectable ng AI targeting systems at thermal optics. Hindi makakapag-trigger ng High Alert warning. Hindi makikita sa enemy tactical cameras, recon drones, at spotter scopes.  
Fast Hands Mag-reload, gumamit ng equipment, at mag-swap ng weapons nang mas mabilis.  
Focus Mababawasan ang flinch sa tuwing nag-aim down sights at ma-e-extend ang tagal ng Hold Breath. 

Ultimate perks 

PERK DESCRIPTION 
High Alert Titibok ang vision kapag na-spot ng isang kalaban sa labas ng view.  
Ghost Undetectable ng UAVs, portable radars, at heartbeat sensors.  
Overclock Rechargeable ang field upgrades at maari kang magtabi ng karagdagang charge. Bumaba ang charge rate nang 20%. 
Survivor Ang mga kalaban na makakapag-patumba saiyo ay ma-pi-ping. Mas mabilis kang ma-re-revive ng mga kakampi mo.  
Birdseye Ibubunyag ng UAV at radar pings ang direksyon ng kalaban.  

The 3 best perk packages in Warzone 2.0 

Here are the eight Warzone 2.0 perk packages: 

  • Vanguard: Double Time, Bomb Squad, Resupply, High Alert 
  • Commando: Scavenger, Strong Arm, Fast Hands, High Alert 
  • Specter: Double Time, Tracker, Spotter, Ghost 
  • Scout: Scavenger, Strong Arm, Focus, Ghost 
  • Sentinel: Battle Hardened, Bomb Squad, Cold-Blooded, Overclock 
  • Warden: Double Time, Strong Arm, Fast Hands, Overclock 
  • Weapon Specialist: Overkill, Strong Arm, Spotter, Survivor 
  • Recon: Double Time, Tracker, Focus, Birdseye 

Specter 

COD Warzone 2 Specter perk package
Screenshot ni Koh Wanzi/ONE Esports

Nanatiling isa sa pinakamagandang perks ng laro ang Ghost, lalo na sa Al Mazrah. Maitatago ka nito mula sa UAVs, portable radars, at heartbeat sensors para mas madaling iwasan ang detection at makapatay ng mga kalaban. 

Ang pagtago ng iyong lokasyon ay napakaimportante sa isang battle royale game, lalo na kung mabagal ang approach mo.  

Malaking pakinabang din ng mga Spotter at Tracker perks dahil pwede mong ma-scout ang mga gusali bago ka pumasok dito.  

Matutulungan ka rin ng Double Time na makatakas nang mabilisan o di kaya makipag-bakbakan nang may mas mabilis na galaw.  

Weapon Specialist 

COD Warzone 2 Weapon Specialist perk package
Screenshot ni Koh Wanzi/ONE Esports

Isa pang malakas na pick ang Weapon Specialist. Ito ang natatanging perk package na may Overkill para mas mapabigat ang firepower mo sa digmaan.  

Ibig sabihin ay maari kang humawak nang isang sniper rifle at close-range SMG nang parehas para mas marami kang mapatay. 

Habang hindi gaanong mapapakinabangan ang Storm Arm perk, binawi naman ito ng Spotter at Survivor. Ang Survivor ay importante para makatakas ka at para masagip ka ng mga kakampi mo kung sakali’y ma-down ka. 

Vanguard 

COD Warzone 2 Vanguard perk package
Screenshot ni Koh Wanzi/ONE Esports

May iilang mapapakinabangan na perks ang Vanguard. Maliban sa extra agility na makukuha mo mula sa Double Time, mayroon din itong Bomb Squad na maaring sumagip saiyo mula sa isang claymore o iba pang explosives.  

Maari mong ma-secure ang mga gusali gamit ang Resupply na may additional na Lethal equipment na mag-re-recharge nang kusa, habang mabibigyan ka naman ng warning ng High Alert kung may nakatingin saiyo.  

Ngunit kailangan mo pa rin mag-ingat dahil kung may Cold-Blooded perk ang kalaban, hindi ito makakapag-trigger ng isang High Alert warning. 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa CoD.