Nasaksihan sa AWC 2021 ang pagsikat ng Superman meta.
Sa Arena of Valor World Cup (AWC) 2021 Groups Stage, ipinakita ng mga pro teams at mga players na halos lahat nang Arena of Valor (AoV) heroes ay maaring gamitin sa kahit anong position.
Nakita natin ang ADC Hayate, jungler Joker, at pati na rin ang support Wonder Woman, Mina, at Maloch. Kahit ang mga support heroes na sina Payna ay Grakk ay ginamit sa mid lane.
Pero bakit nga ba mas pinili ng mga pro teams si Superman para sa international competition na ito.
Tignan nating mabuti ang mga advantages at disadvantages ng hero na ito at kung bakit sya ang naging bida sa AWC 2021.
Malakas si Superman sa early game
Alam ng lahat na ang fictional character ng DC na si Superman ay may kakayahang lumipad. Ang kanyang Arena of Valor version ay meron ding ganitong superpower, kung kaya’t madali syang nakakalibot sa mapa.
Ang kanyang ultimate ability na Speeding Bullet ay nakakatulong sa team na mag-push ng lanes. Ito ang mga dahilan kung bakit solid na roaming hero si Superman.
Ang mga teamfights sa hero na ito ay maaring magsimula sa level two, o kahit pa level one laban sa kalabang mid lane o jungler. Ang pagpasok sa teamfights ng ganito kaaga ay nagbibigay ng malaking kalamangan lalo na sa mga pro matches.
Pag dating sa level four at meron na syang ultimate, mas magiging nakakatakot si Superman sa mga teamfights. Ang kanyang knockback ay nagbibigay ng crowd control para sa team, kaya’t napakahirap nyang kalaban.
Magandang diskarte ang pagpili kay Superman
Tulad ng nabanggit, maraming heroes ang maaring magamit sa iba’t ibang positions, kasama na si Superman. Napakahalaga na magamit sa iba’t ibang positions ang isang hero, lalo na sa isang professional na setting tulad ng AWC 2021.
Kaya ni Superman na makipagsabayan sa Dark Slayer lane, mid lane, o bilang support sa bot lane.
Ano man ang kanyang position, magagamit nya pa rin ang kanyang kakayahan na mag-roam para alalayan ang kanyang mga teammates. Sa kamay ng tamang player, ang hero na ito ang maaring magdikta ng kalalabasan ng laban.
Superman sa AWC 2021
Sa early game ng mga matches sa AWC 2021, inuuna ng mga pro players na gumamit ng Superman ang pag-gank sa mga kalaban, malaking tulong para dito ang mabilis na paggalaw ni Superman sa mapa dahil sa kanyang Flight mode.
Tuwing may lalabas na mga minions, kaya nyang mag push ng lane na mabilis, kaya’t nagkakaroon ng invisible pressure sa ibang lanes, pati na rin sa jungle ng kalaban.
Ang flawless game ni V Gaming BirdLB sa Dark Slayer lane
Sa kabuuan, si Superman ay isang hero na mahirap i-master. Pero kung magagamit mo sya ng tama, kaya nyang buhatin ang buong team sa paggawa ng magagandang plays, tulad ng ginawa ng mga pros sa AWC 2021.