Binigyan ni Eikapong “Tony” Korhonen, support player ng dtac Talon, ang kanilang mga fans ng pasilip kung ano nga ba ang mga nangyayari sa likod ng eksena ng mga ensayo nila kasama ang kanilang coach na si Tsai “Linkou” Ming-Hao.
Ang pinagkaiba ng Taiwanese at Thai players, ayon kay dtac Talon Tony
Isa ang tubong Thailand na si Tony sa mga manlalarong tumulong sa dtac Talon upang makaabot sa grand final ng Arena of Valor World Cup (AWC 2021).
Tatlong taon na siyang nasa pangangalaga ni Linkou, at ayon kay Tony, lahat daw ng mga manlalaro mula Taiwan ay may kakayahan na maging coach.
“Our focus as Thai players will be on fun and a little knowledge,” panimula ni dtac Talon Tony. “But [Taiwanese players] will emphasize on gaining a lot of knowledge. Their style consists of 95% knowledge and maybe 5% on jokes. This is why all Taiwanese players can become coaches, be it Lantyr or Linkou.”
Nagsimula sina Tony at Coach Linkou sa Bazaar Gaming noong Realm of Valor (RoV) Pro League Season 1. Bago maging coach ng dtac Talon, nag-uwi na ang dalawa ng championship title mula sa RoV Pro League Season 2. Data analyst pa sa Still Moving Under Gunfire (SMG) si Coach Linkou noong mga panahong iyon.
Di umano, ang trabaho ng Taiwanese coach noon ay kumuha ng mga clip mula sa mga nagdaan nilang laban at i-translate ito para sa mga players.
“At that time, we felt that the Taiwanese and Thai meta were not the same,” kwento ni Tony. “That is until Linkou flew to Thailand to explain to us how to play. He gave us a different perspective through his teaching methods.”
Bagamat inamin ni Tony na hindi nila masyado trip ang mga paraan ng pag-coach ni Linkou, gumana pa rin ito para sa kanila. Sinasadya kasi ng kanilang coach na pumili ng draft na mahirap i-execute kung masyadong madali ang laban para sa kanilang koponan.
Ang hatol ni dtac Talon Tony kay Coach Linkou
Naniniwala si Tony na ang klase ng training na ginagawa ni Coach Linkou ay nagtuturo sa mga players para maging flexible at mapalawak ang kanilang hero pool.
“Sometimes, when we play with weird drafts and win, people praise the coach. When we play with weird drafts and lose, people also scold the coach,” paliwanag ni Tony. “But when people ask us if we already gave up on these unusual drafts, we answer no. We keep on playing all the time.“
Sa ngayon, wala pang reklamo ang mga papasok na rookie sa koponan ukol sa mga pamamaraan ni Coach Linkou. Kung meron magkakaroon man, may importanteng paalala si Tony, “We have to adjust. If someone comes into our team and can’t adapt to the coach, we can’t stay together.”
Naniniwala rin si Tony na hindi magiging posible ang mga nakamit ng kanilang koponan kung hindi dahil kay Coach Linkou.
“Even if the day comes when I have to leave the team, Linkou can’t abandon dtac Talon,” ika ni Tony. “His training brought us to where we are today.”
Ang dtac Talon ay binubuo ng mga dating kakampi ni Tony sa Bazaar Gaming, katulad nina Siwa “JOMWick” Noomai, Parit “Difoxn” Pornrattanapitak, Jessadapun “MarkKy” Siriputtanapon, and Vorasit “TAOX” Kanoktet. Lumalabas na lahat sila ay may kakayahan na maging de-kalibreng manlalaro, salamat kay Coach Linkou.
Suma total, naniniwala rin si Tony na magbubunga ang lahat ng ginagawa ni Coach Linkou.
“He isn’t the kind of person to quickly judge a player,” paglalarawan ni Tony kay Coach Linkou. “If he sees a player is promising, he will continue to nurture and grow his potential.”
Patunay ang mga players ng dtac Talon na sina Peerawat “MOOP”Piachart at Thana “NTNz” Somboonprom sa sanaysay na ito. Marami ang hindi natuwa nang matalo sina MOOP at NTNz sa RoV Pro League 2021 Summer Playoffs kontra Valencia CF eSports at may iba na gusto pa silang papalitan.
Pero inako ni Coach Linkou ang sisi, at tinurong dahilan ang kanyang mga draft sa pagkatalo.
“It was the worst draft of his coaching career,” sabi ni Tony. “So he decided not to release NTNz and MOOP because he thought it was more of his fault. Now, the two youngsters have proven themselves here at AWC 2021.”
Haharapin ng dtac Talon ang pambato ng koponan na MOP Team sa best-of-seven grand final ng AWC 2021.