Pupunta ka ba sa One Piece Film Red movie premiere? Ito na ang tamang panahon para kumuha ng shirt mula sa collaboration ng One Piece Film Red at Uniqlo!
Isang tribute sa paparating na movie ng sikat na anime series ang naturang bagong koleksyon, na tinatampok si Shanks at ang kanyang Red-Haired Pirates, si Monkey D. Luffy at iba pang iconic character sa palabas.
Narito ang closer look sa collab kasama ang mga presyo at kung saan mabibili ang koleksyon.
Uubusin ng One Piece Film Red x Uniqlo collab ang laman ng wallet mo
Apat na disenyo ang available sa koleksyon na may neutral at classic colors. Ang highlight ng koleksyon ay ang Red-Haired Pirates shirt na pinapakita ang logo ng crew sa harap at ang listahan at line art ng lahat ng miyembro sa likod.
Makikita naman sa isang disenyo ang masalimuot na line art ng Straw Hat Pirates kasama ang text logo ng movie. Ang goal ni Monkey D. Luffy ay masusulyapan sa ibaba lang ng fine print.
Siyempre, ang series protagonist na si Luffy ay mayroong solo shirt design. Tampok dito ang kanyang bago at napakagandang costume sa pelikula habang pini-perform ang kanyang signature Gum Gum techniques.
Siguradong magugustuhan ng fans ni Shanks ang deep blue shirt na pinapakita ang isa sa mga pinaka-memorable na scene sa anime. Sa alaalang ito, binibigay ni Shanks ang kanyang straw hat sa batang Luffy at sinabing ibalik ito kapag naging mahusay na siyang pirata.
Ang One Piece Film Red shirts ng Uniqlo ay may presyo na US$12 (JP¥1,500 o nasa PHP674) bawat isa at mabibili ito simula ika-11 ng Hulyo sa mga Uniqlo stores sa Japan. Malamang ay magkakaroon ng international release para i-cater ang fans ng anime sa buong mundo.
I-check out ang lahat ng One Piece Film Red shirts dito.
Ang release date naman ng pelikula sa Japan ay sa ika-6 ng Agosto. Iaanunsyo pa ng Toei Animation ang detalye patungkol sa international premiere.
Ito’y pagsasalin ng artikulo ni Kristine Tuting ng ONE Esports.