Noong 2021, sumikat ang mga shonen anime titles tulad ng Jujutsu Kaisen at Tokyo Revengers.
Ang mga mas matagal na at mas kilalang titles ang mga pinuri bilang highest-rated anime sa iba’t ibang bansa, ayon sa listahang natanggap ng YouTuber na si Joseph “The Anime Man” Bizinger mula sa database website na MyAnimeList.
Fullmetal Alchemist: Brotherhood highest-rated anime of all time sa iba’t ibang bansa
Mahigit isang dekada na mula nang ilabas ang Fullmetal Alchemist: Brotherhood, nanatili pa ring relevant ang Elric brothers. Ang anime ay tinanghal bilang highest-rated anime sa 12 bansa, kabilang na ang Bangladesh, China, Indonesia, Japan, at Pilipinas, ayon sa MyAnimeList (MAL). Ang anime ay may average score na 9.15 na nagmula sa 1.6 milyong MAL users.
Ang mga Georgia-based fans naman ay gustong-gusto ang action-comedy series na Gintama na makikita sa data ng MAL.
Ang Fullmetal Alchemist: Brotherhood ay ang remake ng 2004 anime na Fullmetal Alchemist na sumusunod sa kwento ng mga magkapatid na alchemists na sina Edward at Alphonse Elric at ang kanilang paghahanap sa philosopher’s stone. Itinuturing ito ng marami na isang classic series na dapat panoorin ng bawat anime fan. Dahil sa kasikatan nito, ang series ay maglalabas ng isang mobile game at isang live-action movie sa taong ito.
S ibang bansa naman, ang Attack on Titan Season 3 Part 2 ni Hajime Isayama ang nakakuha ng korona bilang highest-rated anime. Ipinalabas ito noong Spring 2019 season, kung saan ibinunyag na ang sikretong nakatago sa basement ni Grisha Yeager.
Narito ang mga highest-rated anime shows at movies sa iba’t ibang bansa at kontinente. Ang buong listahan ay makikita sa YouTube channel ni The Anime Man.
Highest-rated anime sa Asia
COUNTRY | ANIME |
Bangladesh | 1. Fullmetal Alchemist: Brotherhood 2. Death Note 3. Attack on Titan Season 3 Part 2 |
China | 1. Fullmetal Alchemist: Brotherhood 2. Spirited Away 3. Ghost In The Shell: Stand Alone complex |
India | 1. Attack on Titan Season 3 Part 2 2. Your Name 3. Death Note |
Indonesia | 1. Fullmetal Alchemist: Brotherhood 2. A Silent Voice 3. Hunter x Hunter |
Iran | 1. Clannad: After Story 2. Howl’s Moving Castle 3. Spirited Away |
Japan | 1. Fullmetal Alchemist: Brotherhood 2. Steins;Gate 3. Clannad: After Story |
Malaysia | 1. Gintama 2 Fullmetal Alchemist: Brotherhood 3. Steins;Gate |
Pakistan | 1. Attack on Titan Season 3 Part 2 2. Gintama 3. Gintama |
Philippines | 1. Fullmetal Alchemist: Brotherhood 2. Gintama 3. Steins;Gate |
Highest-rated anime sa Australia
COUNTRY | ANIME |
Australia | 1. Fullmetal Alchemist: Brotherhood 2. A Silent Voice 3. Hunter x Hunter |
Highest-rated anime sa Africa
COUNTRY | ANIME |
Egypt | 1. Hunter x Hunter 2. Attack on Titan Season 3 Part 2 3. Gintama |
Nigeria | 1. Ishuzoku Reviewers 2. Attack on Titan Season 3 Part 2 3. Gintama |
Highest-rated anime sa Europe sa taong 2021
COUNTRY | ANIME |
France | 1. Attack on Titan Season 3 part 2 2. Gintama 3. Your Name |
Germany | 1. Legend of Galactic Heroes 2. A Silent Voice 3. Your Name |
Georgia | 1. Gintama. 2. Gintama’ 3. Gintama’: Enchousen |
Italy | 1. Fullmetal Alchemist: Brotherhood 2. Hunter x Hunter 3. Steins;Gate |
United Kingdom | 1. Fullmetal Alchemist: Brotherhood 2. A Silent Voice 3. Hunter x Hunter |
Highest-rated anime sa South America
COUNTRY | ANIME |
Brazil | 1. Fullmetal Alchemist: Brotherhood 2. Hunter x Hunter 3. Steins;Gate |
Colombia | 1. Fullmetal Alchemist: Brotherhood 2. Legend of the Galactic Heroes 3. Hunter x Hunter 2011 |
Highest-rated anime sa North America
COUNTRY | ANIME |
Canada | 1. Fullmetal Alchemist: Brotherhood 2. Your Name 3. Attack on Titan Season 3 Part 2 |
Jamaica | 1. Ishuzoku Reviewers 2. A Silent Voice 3. Madoka Magica Movie 3 |
Mexico | 1. Fullmetal Alchemist: Brotherhood 2. Steins;Gate 3. The Tatami Galaxy |
United States | 1. Code Geass 2. Steins;Gate 3. Gurren Lagann |
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.