Nagbabalik ang pamilyang JoJo salamat sa remake ng 2013 fighting game nitong All Star Battle.

Tiyak na papatok ito sa anime fans, maging sa fighting game community, dahil tampok sa JoJo’s Bizarre Adventure All Star Battle R ang pinagandang visuals at mas pulidong battle system.

Narito ang lahat ng kailangan niyong malaman tungkol sa JoJo’s Bizarre Adventure All Star Battle R gaya ng kung kailan ito ilalabas, mga karakter na maaaring laruin, at saan pwedeng laruin.

Ano ang JoJo’s Bizarre Adventure All Star Battle R?

Ang All Star Battle R ay isang video game adaptation ng JoJo’s Bizarre Adventure anime at manga series ni Hirohiko Araki na dine-develop ng CyberConnect2.

Tampok dito ang kwento ng pamilyang JoJo na hinahati sa walong parte. Hina-highlight ng bawat parte ang mga tanyag na miyembro ng kanilang pamilya at ang kanilang paglalakbay. Sikat ang serye dahil sa mga kakaiba nitong character designs at Stands, ang pagsimbulo ng palabas sa kaluluwa.

2.5D fighting game setting ang naturang video game adaptation.

Kumpara sa naunang 2013 title, mas pulido na ang fighting tempo ng JoJo battle system at may mga bago ring mechanics gaya ng hit stops at jump dashes. Tampok din sa laro ang bagong audio recordings ng Part 6 Stone Ocean cast.

Mga karakter na maaaring laruin

JoJo’s Bizarre Adventure All Star Battle R: Kailan ilalabas, mga karakter, saan pwede laruin
Credit: Bandai Namco Entertainment

Kinumpirma ng publisher na Bandai Namco na magkakaroon ng 50 playable characters laro mula sa bawat JoJo arc. Narito ang ilan sa mga tampok na karakter sa nasabing fighting game:

  • Jonathan Joestar
  • Jotaro Kujo
  • DIO
  • Jolyne Cujoh
  • Giorno Giovanna
  • Rohan Kishibe
  • Josuke Higashikata

Game modes

May iba’t-ibang game modes ang JoJo’s Bizarre Adventure All Star Battle R gaya ng All Star Battle, Arcade, Online, Versus, at Practice.

Nagsisilbing story mode ng laro ang All Star Battle mode at tampok dito ang mga laban mula sa orihinal sa serye. Higit 100 laban na may iba’t-ibang settings at conditions ang game mode na ‘to kaya’t mahaba-habang play time ang dapat asahan sa larong ito.

Kailan ilalabas ang JoJo’s Bizarre Adventure All Star Battle R

Ang JoJo’s Bizarre Adventure All Star Battle R ay nakatakdang ilabas sa Setyembre 2022. Maaari itong laruin gamit ang PC, PlayStation 4, PlayStation 5, Xbox Series X/S, Xbox One, at Nintendo Switch.

Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa gaming, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Baka si Gabe Newell ng Valve ang personal na mag-deliver ng Steam Deck order moBeatrix sa Pinas