Kung naghihintay ka ng sign para magsimulang manood ng anime, o naghahanap ka ng bagong show na sisimulang panoorin, ibinahagi ng Valorant pro player na si Tyson “TenZ” Ngo ang kanyang listahan ng mga best anime ngayon.
Ang sikat na streamer, na nakapanood na ng ‘sang katerbang anime sa iba’t ibang genre, ay nagpasyang suriin isa-isa ang mahigit 300 na titles, at i-rank sila mula “God Tier” pababa sa mga hindi niya pa napapanood.
Kung titignan ang kanyang listahan, masasabing nakakahiligan niya ang kumbinasyon ng parehong mainstream at mga hindi masyadong sikat na shows. Binanggit niya nang ilang beses na isa siyang fan ng mga action-adventure shows na Hunter x Hunter at Attack on Titan.
Nakaakgulat din na isinama niya ang mga hindi masyadong sikat na titles tulad ng Classroom of the Elite, Inuyashiki, at Orange sa kanyang tier list.
Anime tier list ni TenZ
God Tier
- Weathering With You
- Kaguya-sama: Love Is War
- Hunter x Hunter
- Clannad: After Story
- Clannad
- Hotarubi no Mori e
- Attack on Titan
- Your Lie in April
- Parasyte: The Maxim
- Assassination Classroom
- Howl’s Moving Castle
- KonoSuba: God’s Blessing on This Wonderful World!
- Spirited Away
- Classroom of the Elite
- Your Name
- Ponyo
- I Want to Eat Your Pancreas
- Rascal Does not Dream of Bunny Girl Senpai
- Death Note
- A Silent Voice
Top Tier
- Naruto
- Naruto: Shippuuden
- Angel Beats!
- The Pet Girl of Sakurasou
- My Teen Romantic Comedy SNAFU
- Golden Time
- Saekano: How to Raise a Boring Girlfriend
- The Fruit of Grisaia
- Prison School
- SHIMONETA: A Boring World Where the Concept of Dirty Jokes Doesn’t Exist
- My Neighbor Totoro
- Re:Zero
- Anohana: The Flower We Saw That Day
- Orange
- 91 Days
- ReLIFE
- Miss Kobayashi’s Dragon Maid
- Overlord
- Black Clover
- Inuyashiki
- That Time I Got Reincarnated as a Slime
- Goblin Slayer
- Akame ga Kill!
- Demon Slayer
- Tokyo Ghoul
- Nisekoi: False Love
Matagal nang anime fan si TenZ at nakapanood na siya ng mga shows na mas higit pa sa isang casual viewer. Ang 20-year-old Canadian pro player din ang isa sa mga nagpasikat ng pagkakaroon ng anime character bilang profile photo sa social media.
Maraming top players tulad ni Valorant Champions winner Aleksander “zeek” Zygmunt, Jaccob “yay” Whiteaker, at Peter “Asuna” Mazuryk ang nagpalit ng kanilang mga profile photos par makakuha ng “anime buff.”
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.