Ipinapakita ng Chainsaw Man anime ang madilim na pantasyang mundo ng mga demonyo sa modernong Japan. Habang layon ni Denji na maging sunod na pinakamagaling na devil hunter, wala pa ring tatalo sa alamat ni Quanxi.

Si Quanxi ay isang supporting character sa International Assassins arc, kilala sa pagiging kauna-unahang devil hunter. Matapos mabalitaan ang kinaroroonan ng Chainsaw Devil, ipinadala siya ng Chinese military sa Japan para bawiin ang puso ni Denji.

Bagamat hihintayin pa ang paglabas niya sa anime, ipinakita ni Japanese cosplayer Momo Tommoto kung gaano ka-badass ang devil hunter sa kanyang Quanxi cosplay.


Handa na si Momo Tommoto na kumitil ng mga demonyo sa kanyang Quanxi cosplay

Momo Tomomoto sa kanyang Quanxi cosplay
Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Kuhang-kuha ni Momo ang stone-cold aura ng Chinese assassin sa kanyang outfit. Suot ng cosplayer ang itim na tank top at pantalon na may puting sinturon, at naglalagalag gamit ang combat boots.

Natumpak niya rin ang accessories at weapons ni Quanxi. Dagdag pa sa pagsusuot ng eyepatch sa kanyang kanang mata, nilagay ni Momo ang sarili niyang spin sa arsenal ng karakter sa pamamagitan ng tatlong Japanese wakizashi sa kanyang likod imbes na Chinese daos.

Sa kanyang video, nagbigay-pugay si Momo sa karakter sa pamamagitan ng pag-pose sa mga kalsada sa Yokohama Chinatown. Ni-recreate niya rin ang pinaka-iconic na moment ng assassin sa manga. Sa eksanang ito, nagkomento si Quanxi sa salitang Chinese sa grupo ng mga devil hunters. Sumenyas siya sa kanyang mga alagad na halimaw na linisin ang kalat sabay yumuko para sa isang opensibang tindig.

Maaari niyong panoorin ang cosplay video ni Momo sa ibaba:



Para sa mga istorya tungkol sa anime at cosplay, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Ito’y pagsasalin ng artikulo mula sa ONE Esports.