Isang League of Legends pro player ang nagdududa kung maganda ba talaga ang Fullmetal Alchemist: Brotherhood.
Sinukat ng League of Legends roster ng G2 Esports ang kanilang kaalaman tungkol sa anime ratings sa MyAnimeList, na maaring rumanggo ng 1 hanggang 10. Habang hinuhulaan nila ang mga score ng mga iba’t-ibang pelikula, ibinahagi rin nila ang kanilang mga opinyon tungkol sa bawat anime.
Ginulat ng isa sa mga top laners ng team, si Sergen “BrokenBlade” Çelik ang mga nanonood noong sinabi niya na “overrated” ang Fullmetal Alchemist: Brotherhood. Sa isang YouTube video, ipinaliwanag niya na hindi siya namangha dito. Ngunit sa kabila ng kaniyang batikos, sinabi niya na plano niyang ipagpatuloy ang pagbasa ng manga at umaasa siya na gaganda pa ito para sa kaniya.
Ibinahagi ng G2 Esports LoL players ang kanilang mga opinyon sa mga pinakasikat na anime shows sa MyAnimeList
Para sa mga hindi pamilyar sa serye, ang Fullmetal Alchemist: Brotherhood ay isang remake ng 2004 anime Fullmetal Alchemist. Sinusundan nito ang buhay ng alchemist brothers na si Edward at Alphonse Elric sa kanilang paghahanap ng bato ng philosopher.
Sa kaibahan ng opinyon ni BrokenBlade, naniniwala ang support player ng G2 Esports na si Mihael “Mikyx” Mehle na ang mga bagong anime tulad ng Jujutsu Kaisen ay “automatically considered overrated” dahil ang mga nakaraang anime o classics ay may mataas na ranking sa database ng MAL.
Pagdating naman sa anime movies, para kay Mikyx ang A Silent Voice ni Naoko Yamada ay mas nakatataas sa Your Name ni MAkoto Shinkai. Nag-debut ang dalawang pelikula noong 2016 sa Japan.
Ibinahagi naman ni Steven “Hans Sama” Liv ang kaniyang paghanga para kay Steins;Gate na itinuturingg niyang “best anime in the world.” Binigyan niya ang show ng kaniyang personal rating na 9 mula sa 10.
Nanaig na winner sina Rasmus “Caps” Winther at Hans Sama sa laro matapos maka-score ng tatlong puntos. Sumunod naman si Caps sa kaniyang hula ng rating ng One Piece, Attack on Titan Season 1, at Blue Lock, habang naka-puntos si Hans Sama para sa kaniyang tamang hula ng ratings ng Steins;Gate Season 1, Geass Season 1, at Fullmetal Alchemist: Brotherhood.
Ngunit mapapatanong ka talaga kung karapat-dapat ba nilang makuha ng Fullmetal Alchemist: Brotherhood ang mataas na rating?
Ang MyAnimeList ay isang sikat na anime at database website na nagsisilbing go-to ng mga milyon-milyon na anime fans na naghahanap ng susunod na papanoorin. Ang komprehensibong rating system ng site ay nakabase sa user feedback at nagbibigay ng isang maaasahang gabay sa mga best anime.
Sa tuktok ng MAL charts na may rating na 9.11 ay ang Fullmetal Alchemist: Brotherhood, isang minamahal na serye dahil sa kaniyang storya at characters. Ngunit hindi lahat ay may ganitong opinyon sa classic anime na ‘to.
Panoorin ang anime guessing game ng G2 Esports sa kanilang YouTube channel.
Ito naman ang listahan ng highest-ranked anime shows at movies sa MyAnimeList.
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, gabay, at highlights tungkol sa League of Legends.