Heads up, mga anime fans! 

Nagmumukhang isa sa mga pinaka-hyped na anime release ng 2022 ang Chainsaw Man, ngunit baka ang iilan sa inyo ay hindi pamilyar sa storyang ito. 

Para malaman mo ang mga malalaking pangalan ng serye, ito ang isang quick na pakilala kay Makima ng Chainsaw Man, kasama na ang mga detalye ng kaniyang background, storya, ugali, at unang appearance sa manga. 

Warning: Spoilers kung hindi mo pa nababasa ang unang 27 chapters ng Chainsaw Man manga. 

Sino si Makima ng Chainsaw Man? 

Si Makima ay isa sa mga main characters ng Chaindaw Man, isang horror-comedy manga series na sinulat at inillustrate ni Tatsuki Fukimoto. Nasa isang mundo ang serye kung saan nagiging mga kinakatakutan ng mga tao ang demonyo. 

Pumasok si Makima sa story matapos ang life-saving transformation ng bida na si Denji sa pagiging Chainsaw Man. 

Bilang isang high-ranking Public Safety Devil Hunter at lider ng Tokyo Special Division 4, layunin niyang alisin ang Zombie Devil. Dumating siya sa eksena para mahanap na pinatay na ang target ng isang human-devil na hybrid, isang batang babae na may pulang buhok na naka suit at tie. Naguluhan siya sa hindi ma-detect na amoy ni Denji. 

Matapos bumalik sa kaniyang human form si Denji pagkatapos ang nakakagulat na yakap mula kay Makima, binigyan niya ito ng dalawang opsyon: siya ay papatayin o magiging pet niya ito. Natuwa si Denji dahil siya ay mapapakain at nagpasya na maging pet ni Makima. 

Ngayon na nasa ilalim na ng pangangalaga ni Makima si Denji, itinalaga siya sa Special Divison 4, isang experimental na squad na may mga malalakas na hybrid, fiends, at mga tao. Pagkatapos ay nakitira si Denji sa dalawa ng kaniyang squadmates, si Power at Aki Hayakawa. 

Binabantayan ni Makima si Denji at palagi niya ito binibigyan ng atensyon at oras para maging matapat siya sa kaniya. Dahil siya ay isang firsthand witness sa mga abilidad ng hybrid, alam na alam niya kung gaano kalakas si Denji. 

Habang siya ay naging love interest ni Denji, siya ay pinakita bilang isang misteryosong character sa mga unang arcs ng Chainsaw Man na storya. 

Ang kaniyang pangunahing layunin bilang isang Public Safety Devil Hunter ay talunin ang Gun Devil, ngunit noong inatake ang kanilang Divison, nilipant niya ang kaniyang agenda sa pagaalaga kay Denji sa mga ibang bansa na gusto siyang gamitin bilang isang superweapon. 

Minsan nagpapakita si Makima ng kaniyang lakas at abilidad sa mga krusyal na sitwasyon. 

Noong tinangka siya patayin ng mga Gun-Agents sa isang tren sa Kyoto, siya ay nabuhay nang walang seryosong sugat. Binawian niya ang mga ito gamit ang kaniyang ritwal kung saan inatasan niya ang mga bilanggo na sabihin ang mga pangalan ng iilang Gun-Agents para patumbahin ang mga ito telepathically mula sa malayong lugar. 

Ugali ni Makima sa Chainsaw Man 

Kalmado si Makima sa Chainsaw Man bilang isang Devil Hunter, at umaaksyon siya nang walang kumokontra sa kaniya. 

Bagamat siya ang lider ng iba’t-ibang Divisions, handa si Makima na ilagay sa peligro ang kaniyang mga tauhan para sa kaniyang mga sariling layunin. Pinagalitan siya ng isa pang beteranong Devil Hunter na si Kishibe dahil hinayaan niyang mangyari ang ibang mga kaganapan para makaligtas siya ng mas maraming tao.  

Pinakita si Makima bilang manipulative at walang emosyon, lalong-lalo na kay Denji. Pinatili niya sa kaniyang metaporikal na tali si Denji para sa pangako na sila ay magtatalik. 

Unang appearance ni Makima sa Chainsaw Man 

Nakita si Makima sa unang kabanata ng manga, kung saan nakita ang kaniyang unang pagkilala kay Denji at sa Chainsaw Man. 

Saan pwede basahin at panoorin ang Chainsaw Man 

Lahat ng unang parte ng 97 na kabanata ng Chainsaw Man, ang Public Safety Saga, ay opisyal na available sa VIZ Media website. 

Kumpirmadong lalabas ang anime adaptation nito sa 2022 sa isang opisyal na tweet

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, gabay, at highlights tungkol sa mga anime. 

Ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na article, Who is Makima in Chainsaw Man? Story, personality, and first appearance.