Patuloy na lumalago ang popularidad ng supernatural shonen anime ng MAPPA na Jujutsu Kaisen. Simula noong Fall 2020 anime season, matunog na ang anime na nagbunga pa nga ng prequel moie na Jujutsu Kaisen 0.

Record-breaking ang naturang palabas dahil nailista ito bilang highest-grossing film sa Japan noong 2021 kung saan kumabig ito ng humigit-kumulang US$91M. Bukod dito, ito rin ang 4th highest-grossing anime movie of all time sa US kung saan nakakuha naman ito ng US$31.4M.

Ang JJK ay isang dark fantasy, supernatural anime tungkol sa Jujutsu Sorcerers na sina Yuji Itadori, Nobara Kugisaki at Megumi Fushiguro na lumalabas sa mga masasamang espirito. Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng paggamit ng secret techniques para mahawak ang cursed energy. Itinatampok din sa palabas ang isa sa mga pinakamalakas na anime characters of all time na si Gojo.

Credit: MAPPA

Matapos ang collaborations sa mga kilalang brands tulad ng PUBG Mobile at Dolce & Gabbana, patuloy ang pakikipagtambalan ng label na ngayon ay nakipagsanib-puwersa sa Universal Studios theme park sa Japan para bigyan ang fans ng ultimate JJK experience.


Jujutsu Kaisen- themed attractions itatampok sa Universal Studios Japan

Isasalang ng Universal Studios Japan ang Jujutsu Kaisen attractions na nakasentro sa labanan ng Jujutsu Sorcerrers at cursed spirits, ayon sa opisyal na anunsyo ng park.

Layon nito na iparanasa sa mga fans ang mundo na inikutan ng anime, kasama ang cursed spirits, sorcerers at ng Domain Expansions, ang isang technique na nagbibigay abilidad sa user na makagawa ng hiwalay na space.

Credit: MAPPA at Universal Studios Japan

Isa pa sa maaaring magiging atraksyon ay ang virtual roller coaster na hango sa dating anime-themed rides na kinatampukan ng mga sikat din na serye tulad ng EvangelionDemon Slayer, at Attack on Titan.

Ito ay bukas sa lahat ng bibisita sa Osaka, Japan ng sampung buwan simula sa September 16 hanggang July 2, 2023 sa susunod na taon. Marami pang impormasyon ang inaasahang ilalabas ng USJ sa kanilang website.

Isa ang USJ sa pinakamalaking theme parks sa Japan na nakabase sa Konohana-ku, Osaka. Pamoso ang parke dahil sa themed lands nito tulad ng The Wizarding World of Harry Potter at Super Nintendo World. May dalawang rides ang Super Nintedo World at maramign interactive games ang maaaring malaro bilang pagbibigay-pugay sa Super Mario Bros. franchise.

Tipikal na nagkakahalagang US$62 o humigi-kumulang PhP 3,100.00 ang isang one-day Studio Pass dito. Kasama na din dito ang park entrance at ang entry sa lahat ng atttractions sa parke. Bukas na ang Japan sa mga turista ngunit para lamang sa guided tours. Nanatiling sarado ito sa indibidwal na turista. 

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: 7 shonen anime na dapat mong panoorin kung natripan mo ang Jujutsu Kaisen 0