‘Di maipagkakaila na isa ang Jujutsu Kaisen ni Gege Akutami sa mga pinakamagandang anime noong 2021.
Ang nasabing shonen series ay naka-set sa mundo kung saan totoo ang cursed energy at mga halimaw na nabubuo mula sa mga negatibong emosyon ng mga tao.
Ang matagumpay na release ng una nitong season ay nasundan agad ng prequel movie na pinamagatang Jujutsu Kaisen 0. Sinusundan nito ang kwento ng isang sorcerer na nagngangalang Yuta Okkotsu. Dahil sa kasikatan ng serye, naging highest-grossing movie noong 2021 sa Japan ang nasabing prequel film.
Jujutsu Kaisen 0 nakapagtala ng US$91M, ang record para sa best film sa Japan box office noong 2021
Nangibabaw ang mga anime films sa Japan noong nakaraang taon. Nanguna sa listahan ang Jujutsu Kaisen 0, ang highest-earning film noong 2021 matapos makalikom ng US$86M gross earnings ayon sa Mantan Web.
Tinalo ng MAPPA film ang record ng Evangelion: 3.0 +1.0 Thrice Upon a Time ng Studio Khara, na kumita ng US$86M. Ilan pa sa mga blockbuster anime films ay Detective Conan: The Scarlet Bullet, na kumita ng US$61.2M, at Belle na nakalikom naman ng US$57.2M.
Tungkol ang kuwento ng Jujutsu Kaisen 0 kay Yuta Okkotsu, isang high-school student na minumulto ng cursed spirit ng kanyang childhood friend na si Rika Orimoto. Naganap ang mga pangyayari sa pelikula bago ang unang season ng anime, kaya’t tampok ang mas batang Gojo Satoro na nagtuturo kay Yuta kung paano makontrol si Rika.
Para sa karagdagang balita, guides, at highlights tungkol sa anime, i-like at I-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Blue Lock anime: Release date, storya, characters, seiyuu, at status ng manga