Makasaysayan ang paglabas ng Jujutsu Kaisen 0 movie worldwide noong nakaraang buwan dahil instant box office hit ito sa Japan, Taiwan at sa US kung saan ika-apat ito sa highest-grossing anime movie of all time.
Sa Japan, marami ng collaborations ang anime franchise magmula sa mga salamin, snacks kasama na din ang UT collection katuwang ang Uniqlo. Ngayon, may collab outfits ang na din ang Jujutsu Kaisen kasama ang Italian fashion house na Dolce & Gabbana.
Isa itong testimiyento kung gaano patuloy na lumalaki ang franchise, kasunod na din ang ibang mainstream anime titles na nakakuha na rin ng puwang sa high fashion industry tulad na lamang ng One Piece x Gucci, Naruto x Coach at Jojo’s Bizarre Adventure x Balenciaga.
Ang Jujutusu Kaisen x Dolce & Gabbana tambalan ang unang high-fashion collab ng anime franchise
Tampok sa collection ang main characters mula season one na sina Yuji Itadori at ang kaniyang dalawang first year classmates na sina Megumi Fushiguro at Nobara Kugisaki.
Kasama din sa nasabing collab ang second year students na sina Maki Zenin, Toge Inumaki, at Panda katuwang na din ang teachers na sina Kento Nanami at siyempre ang pinakamalakas na sorcerer na si Satoru Gojo.
Bawat karakter ay may tailored looks na talagang nagpapalabas ng kanilang personalidad at nag-hihighlight ng kani-kanilang mga backstory. Magandang halimbawa dito si Yuji na may black and white tracksuit na may pattern na hitsura ng Sukua markings.
Si Kento Nanami naman na dating empleyado ay makikitang nakasuot ng suit sa manga at anime. Ang JJK x D&G collab merch niya ay mas pulido ang pagkakagawa. May neutral double breasted overcoat ang istilo ng karakter na may kasama pang sky blue na long sleeved turtle neck.
Bukod dito, may kasama pang classy, nature-themed brooch ang model na nasa US$1,000 (o mahigit PhP 50,000) ang presyo.
Kahit pa smart at mamahalin ang outfit ni Nanami, ito ay mabibili lamang sa halagang $6,650 (mahigit PhP 330,000)
Ang pinakamahal sa clothing collection ay ang kay Satoru Goju. Ang simpleng black leather jacket na may D&G logo ay nagkakahalaga na ng US$4,000 (o mahigit PhP 200,000).
Para maging “the coolest”, maaaring parisan ito ng boxy D&G sunglasses sa halagang US$2,000 (o mahigit PhP 100,000) at black and grey sports sneakers na may presyong US$1,170 (mahigit PhP 58,500)
Kung hindi abot ng budget ang outfits na ito, may pinakamurang opsyon na basic branded white t-shirt na nagkakahalaga lamang ng US$300 (mahigit PhP 15,000.)
Mayroon ding ibang merchandise sa collection na talga namang naglalabas ng JJK vibe tulad na lamang ng hoodies, track pants, graphic t-shirts, shopping bags, card holders, phone cases at marami pang iba.
Mga presyo ng Jujutsu Kaisen character outfits
CHARACTER | D&G OUTFIT TOTAL PRICE (USD) |
Satoru Gojo | $7,500 (¥941,600) |
Nanami Kento | $6,650 (¥842,600) |
Maki Zenin | $6,450 (¥817,300) |
Toge Inumaki | $5,450 (¥689,700) |
Megumi Fushiguro | $5,300 (¥668,800) |
Yuji Itadori | $3,500 (¥442,200) |
Nobara Kugisaki | $3,070 (¥389,400) |
Panda | $2,100 (¥268,400) |
Maaaring makita ang kabuuan ng collection sa official website ng D&G.
BASAHIN: 7 shonen anime na dapat mong panoorin kung natripan mo ang Jujutsu Kaisen 0