Ano nga ba ang best anime na nailabas all time? May isang content creator ang nangahas na simulan ang usaping ito.
Si Joseph “The Anime Man” Bizinger ay isang Japanese-Australian YouTuber, na kung hindi pa halata mula sa kaniyang channel name, ay gumagawa ng content tungkol sa anime at Japanese culture.
Dahil sa patuloy na pag-usbong ng anime sa mainstream, napagdesisyunan ng The Anime Man na magtanong ng 100 YouTubers, kasama ang kaniyang sarili, kung ano sa tingin nila ang best anime na nagawa all time.
Sa hour-long video na inilabas ng content creator, kinapanayam niya ang ilan sa mga anime enthusiasts at internet personalities tulad na lamang ni Felix “PewDiePie” Kjellberg, Imane “Pokimane” Anys, at Ludwig Ahgren.
Ludwig at Pokimane pinagusapan ang best anime shows na napanood nila
Madaling sabihin na shonen fanatic si Ludwig dahil sa kaniyang kulit at pagiging tuso sa kaniyang content. Gayunpaman, ‘soulful’ ang kaniyang picks pagdating sa anime. Aniya, Welcome to the N.H.K ang isa sa kaniyang mga paborito, isang comedy-drama series na umiikot sa kuwento ni Tatsuhiro Satou, isang college dropout na nakatira sa Japan.
“It deals with loneliness better than any form of media I’ve ever watched. I think that’s a topic that anyone can relate to,” pagpapaliwanag ni Ludwig.
Para naman sa Twitch star na si Pokimane, taliwas din sa iconic na Pikachu Funko Pop ang tipo niya sa mga palabas. Sa katunayan, fan daw siya ng gruesome body horror.
Inilista ng Offline TV member ang Parasyte the Maxim bilang all-time favorite niyang series kung saan pinuri niya ang “creepy alien concept nito at ang mensahe nito tungkol sa moralidad.
JoJo daw ang best anime ni PewDiePie, pero parang hindi naman
Inside joke ang tirada ng internet icon na si PewDiePie para sa kaniyang fanbase, ang Bro Army.
Biro ni Pewds, ang best anime ever daw ay ang Jojo’s Bizarre Adventure, isang seryeng kilala sa “bromance” na aspeto nito sa pagitan ng mga bidang lalake ng palabas. Karugtong nito, prinomote niya ang kaniyang bagong merch line.
Pero anon ga ba ang paboritong show ni PewDiePie? Pinasadahan ng YouTuber ang usapin noong 2016. Una siyang nahumaling sa Japanese animation dahil sa cyberpunk series na Ergo Proxy, at kalaunan ay naging big fan ng Berserk, isang dark fantasy show na umikot sa isang swordsman na si Guts.
I-check out ang full video ni TheAnimeMan dito:
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook!
BASAHIN: Kyedae binigyan si TenZ ng ultimate anime girlfriend para sa kanyang ika-21 kaarawan