Maraming tanong na iniwan sa mga manonood ang eksplosibong finale ng Entertainment District Arc ng Demon Slayer. Anong klase ang mga natitirang Hashira? Gaano kaya kasama ang mga susunod na kontrabidang haharapin nila Tanjiro at kanyang mga kaibigan? At sino si Yoriichi Tsugikuni, ang misteryosong tao na nakita ni Daki sa napagtanto niyang mga alaala ni Muzan?
Ngayong nasa production pa ang Swordsmith Village Arc, baka maghintay pa ang mga fans hanggang sa simula ng 2023 para makuha ang mga sagot. Pero ‘di ‘yan hadlang para maghukay tayo ng mga kasagutan.
Babala: Major spoilers kung hindi mo pa napapanood ang Demon Slayer Entertainment District Arc o para sa mga hindi pa nababasa ang lagpas sa Chapter 96 ng manga.
Sino si Yoriichi Tsugikuni?
Unang lumabas sa Episode 8 ng Asakusa Arc kung saan binabalikan ang lumang alaala ng Muzan, si Yoriichi Tsugikuni ay nakatakdang maging major supporting actor sa mga susunod na arc.
Isa siyang maalamat na Demon Slayer na responsable sa paggawa ng Breathing Styles na ginagamit ng maraming karakter. Kilala siya sa Breathing Style na pinasa sa Kamadao family, ang Sun Breathing na gustong matutunan ng main character na si Tanjiro Kamado.
Lumabas siya sa isang flashback matapos utusan ni Muzan ang kanyang mga alipores na paslangin si Tanjiro at idiniin na ito ay may suot na Hanafuda earrings. Ang mas nakakaintriga sa eksenang ito ay kung paano nanginig sa takot ang main villain ng serye nang maalala si Yoriichi Tsugikuni na mayroon ding Hanafuda earrings.
Sa ikaanim na episode ng Entertainment District Arc, matapos gamitin ni Daki ang kanyang mga sash para maghasik ng lagim na kumitil ng maraming buhay, lubhang nagalit sa kanya si Tanjiro at tinanong kung bakit niya pinapaslang ang mga tao na ‘di hamak na mas mahina sa demons.
Nag-trigger ito ng alaala kay Muzan na naranasan din ni Daki dahil uminom siya ng dugo ng Demon King. Naalala niya ang kanyang engkwentro laban kay Yoriichi Tsugikuni. Bagamat ang flashback ay snippets lamang, pinahiwatig nito na sina Muzan at Yoriichi ay maaaring naglaban hanggang kamatayan.
Sino nga ba si Kazuhiko Inoue, ang boses sa likod ni Yoriichi Tsugikuni?
Ang voice actor ni Yoriichi na si Kazuhiko Inoue ay may mahabang karanasan sa industriya na aabot nang halos 50 taon.
Sinimulan niya ang kanyang voice acting career noong 1975 kung kailan nag-debut siya bilang si Tetsusai ng makasaysayang Japanese comedy anime na Ikkyū-san. Pinakapopular siya sa kanyang mga role bilang Kars sa Jojo’s Bizzare Adventure, Kakashi Hatake sa Naruto at Gildarts Clive sa Fairy Tail.
Kamakailan lang ay nanalo ang 67-year-old voice actor ng Best Supporting Actor sa ikatlong Seiyuu Awards para sa kanyang role bilang Nyanko-sensei sa Natsume’s Book of Friends (Natsume Yūjin-chō).
Ang pamosong anime filmograhpy ni Kazuhiko Inoue
SERIES | ROLE |
Captain Tsubasa | Carlos Santana |
Mobile Suit Zeta Gundam | Jerid Messa |
Fushigi Yuugi | Rokou |
Detective Conan | Ninzaburo Shiratori |
Fruits Basket | Hatori Sohma |
InuYasha | Ryukotsusei |
Naruto | Kakashi Hatake |
Fairy Tail | Gildarts Clive |
JoJo’s Bizarre Adventure | Kars |
Gintama | Oboro |
Mob Psycho 100 | Toichiro Suzuki |
Tokyo Ghoul | Donato Porpora |
Goblin Slayer | Goblin Lord |
Attack on Titan | Willy Tybur |
Demon Slayer | Yoriichi Tsugikuni |
Ito’y pagsasalin ng artikulo ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.