Nagdiwang ng ika-21 kaarawan ang Valorant superstar pro player at streamer na si Tyson “TenZ” Ngo noong May 5, at hindi nakakapagtaka na pinagdiwang Sentinels duelist main ang kanyang espesyal na araw sa pamamagitan ng paglalaro ng ranked.

Sa gitna ng isa sa kanyang mga ranked matches, biglang nagpakita sa kanyang stream ang kanyang girlfriend na si Kyedae Shymko upang sorpresahin siya ng kakaiba at mamahaling regalo.

Niregaluhan ni Kyedae ang Masters Reykjavik 2021 champion ng isang 1/4 scale Kaguya Shinomiya Bunny Ver. figure na gawa ng FREEing. Pamilyar sa mga otakus ang character na ito na mula sa sikat na romantic-comedy anime na Kaguya-sama Love is War.

Kyedae gumastos ng US$1,000 para regaluhan ang kanyang boyfriend na si TenZ, kabilang dito ang Kaguya-sama Love is War figure

Alam ng mga fans ni TenZ na isa siyang major anime fan. Nakapanood na siya ng maraming anime na may iba’t-ibang genre at nakagawa na rin ng sarili niyang tier list na kinabibilangan ng mahigit 300 titles, na may rank mula “God Tier” hanggang sa “Low Tier.”

Nangunguna sa nasabing listahan ang Hunter x Hunter, Clannad, at syempre, Kaguya-sama, na sinabi niyang isa sa kaniyang pianakpaborito.

Alam ni Kyedae na masugid na fan ang kanyang partner ng main character ng show na si Kaguya Shinomiya, ang vice president ng student council ng Shuchiin Academy.

Ang kwento ay umiikot sa kanya at sa masipag na president ng student council na si Miyuki Shirogane. Para din siyang normal na boy-meets-girl-and falls-in-love story, ngunit ayaw aminin ng dalawa ang kanilang nararamdaman para sa isa’t isa, na naging sanhi ng malaking gulo.

Nang matanggap ni TenZ ang regalo sa kanya ng kanyang girlfriend, nagulat siya nang malaman niyang nagkakahalaga ang Kaguya Bunny figure ng US$335. SInabi rin ni Kyedae na gumastos siya ng mahigit US$1,000 sa mga regalo para sa boyfriend.

“I also got him other gifts, but I already gave them to him,” sabi ni Kyedae.

Ang Kaguya-sama ay mapapanood sa NetflixHuluFunimation, at Crunchyroll.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.