Ang Slam Dunk, isang iconic basketball anime serye na minamahal ng mga fans ng 90s, ay nasa Netflix na.
Sinusundan ang anime na ito ang storya ni Sakuragi Hanamichi, isang high school delinquent na may pasyon para sa basketball.
Sa kabila ng kaniyang pagkukulang sa karanasan, sumali si Sakuragi sa basketball team ng kaniyang school para maakit ang isang babaeng mahal niya at madidiskubre niya na may natural na talento siya para sa basketball.
Ang walong seasons na may 101 episodes ay maari nang ma-stream sa Netflix, at pwede na itong ma-binge watch ng mga nostalgic fans.
101 episodes ng Slam Dunk ay available na sa Netflix
Para sa mga ‘di pamilyar sa serye, ang Slam Dunk ay base sa sikat na manga series na sinulat ni Takehiko Inoue.
Unang umere sa Japan noong 1993 hanggang 1996, naging isang domestic at international sensation ang show na ‘to. Sa kaniyang makulay na cast ng characters, mga nakakatuwang aksyon ng basketball, at isang theme song na hanggang ngayon ay maaalala pa rin ng mga fans, itinuturing ang Slam Dunk bilang isa sa pinakamagandang sports anime of all time.
Nagbalik ang anime noong 2022 sa pamamagitan ng The First Slam Dunk movie. Pinakita ng animated film na minamahal pa rin ang franchise matapos kumita ng mahigit US$93 million sa Japan.
Kaya oras na para panoorin ang best sports anime series sa Netflix ngayon!