Nagsimula noong nakaraang buwan ang international release ng Jujutsu Kaisen 0 at patuloy itong nagtatala ng matataas na records sa loob at labas ng shonen anime genre.

Nauna itong ipalabas sa Japan noong Disyembre 2021, at agad namang naging highest-grossing local movie ng 2021 matapos kumita ng US$91M. Pumatok din ito sa Taiwan box office matapos kumita ng US$592,000 sa unang araw pa lang.

Umiikot ang palabas kay Yuta Okkotsu, isang high school student na minumulto ng cursed spirit ng kanyang kababata na si Rika Orimoto. Ang mga pangyayari sa pelikula ay naganap bago ang unang season ng anime, at tampok dito ang batang Gojo Satoru na ginagabayan si Yuta kung paano kontrolin si RIka.

Ngayong napanood mo na ang Jujutsu Kaisen 0, o kung gusto niyong i-hype ang sarili niyo bago panoorin ito, narito ang pito pang shonen anime na dapat mong panoorin.


7 shonen anime na dapat mong panoorin kung nagustuhan mo ang Jujutsu Kaisen 0


Tokyo Revengers

7 shonen anime na dapat mong panoorin kung natripan mo ang Jujutsu Kaisen 0
Credit: Liden Films

Gaya ng pagkakaibigan nin Yuta, Maki Zenin, Panda, at Toge Inumaki, solido rin ang kapatiran ng Tokyo Manji Gang.

Umiikot ang Tokyo Revengers sa istorya ni Takemichi Hanagaki, isang binatilyo na bumalik sa nakaraan kasama ang middle-school gang na Tokyo Manji Gang at para maligtas mula sa kamatayan ang kanyang ex-girlfriend na si Hinata Tachibana.


Dr. Stone

7 shonen anime na dapat mong panoorin kung natripan mo ang Jujutsu Kaisen 0
Credit: TMS/8PAN

Ang Dr. Stone ay ginaganap sa mundo kung saan lahat ng tao ay naging bato. Matapos ang mahigit 3,000 taon, ang bida na si Senku Ishigami ay nakalaya mula sa pagiging estatwang bato. Habang pinagaaralan ang bagong mundo, sinusubukan din ni Senku na magtatag ng sibilisasyon at kaharian gamit ang agham bilang pundasyon.

Bagong konspeto ang hatid ng palabas na ‘to sa genre ng shonen. Maganda ang pagkakalatag sa kung paano muling itatatag ng bida ang sibilisasyon at tiyak ay magkakaroon ka rin ng ideya kung paano nga ba nabubuo ang mga bagay-bagay.


My Hero Academia

7 shonen anime na dapat mong panoorin kung natripan mo ang Jujutsu Kaisen 0
Credit: Bandai Namco Entertainment, ONE Esports

Si Izuku Midoriya, na may hero name na Deku, ang bida ng My Hero Academia. Sa mundo kung saan pangkaraniwan ang may taong may superpowers, ipinanganak si Deku na walang espesyal na abilidad, pero hindi ito naging hadlang para makamit ang kanyang pangarap na maging hero. Nagbunga ang kanyang paghihirap nang makilala siya ni All Might, na tinulungan siya para maging kahalili niya.


Assassination Classroom

7 shonen anime na dapat mong panoorin kung natripan mo ang Jujutsu Kaisen 0
Credit: Lerche

Ang Tokyo Prefectural Jujustsu High School sa JJK franchise ay may maraming estudyante na may kanya-kanyang makukulay na personalidad at malalakas na abilidad. Ganun din ang Class 3-E ng Kunugigaoka Junior High School ng palabas na Assassination Classrom.

Tungkol ito sa misyon ng Class 3-E na patayin ang kanilang homeroom teacher, isang dilaw na hugis-pusit na nilalang na nagngangalang Korosensei na may planong wasakin ang mundo. Sa kada palpak na assassination, na pinapatnubayan ng ni Korosensei, bakas kung paano natututo at lumalakas ang kanyang mga estudyante.

Wala mang malulupit na fight scenes gaya sa JJK, nakasentro ang magandang plot ng Assassination Classrom sa pagkakaibagan at relasyon ng guro sa kanyang mga estudyante.


Demon Slayer

7 shonen anime na dapat mong panoorin kung natripan mo ang Jujutsu Kaisen 0
Credit: ufotable

Syempre, hindi mawawala ang shonen anime na Demon Slayer sa listahang ito.

Ang serye ay pinagbibidahan ni Tanjiro Kamado, na may misyong ibalik ang nakababata niyang kapatid na si Nezuko Kamado, na nag-transfrom sa isang demonyo. Naging popular sa buong mundo ang palabas at pinarangalan pa bilang Best TV Anime ng 2019 Newtype Anime Awards at Anime of the Year ng 2020 Crunchyroll Anime Awards.

Ang paparating na Demon Slayer Season 3 ay gaganapin sa Entertainment District Arc, kung saan tampok sina Muichiro Tokito at Mitsuri Kanroji, ang Mist at Love Hashira.


Haikyuu!!

7 shonen anime na dapat mong panoorin kung natripan mo ang Jujutsu Kaisen 0
Credit: Crunchyroll

Hindi lang tungkol sa fantasy at adventure ang shonen at pinatunayan ito ng isa sa pinakasikat na sports anime show, ang Haikyuuu!!

Pinagbibidahan ito ni Hinata Shouyou na nagka-interes sa laro matapos itong mapanood sa TV. Kahit hindi katangkaran, wala masyadong karanasan, at medyo lampa, nagsisikap siya na maging isang propesyunal na volleybal player.

Habang pinapanood ‘to, tiyak na mararamdaman mo ang hype dahil sa nag-aalab na passion ng volleyball team ng Karasuno High.


Kuroko’s Basketball

7 shonen anime na dapat mong panoorin kung natripan mo ang Jujutsu Kaisen 0
Credit: Production I.G.

Tampok sa Kuroko’s Basketball ang mundo ng team sport kasama ng malulupit na moves na halos nahahaluan na ng magic. Sixth-man ng isang all-star middle school basketball team na Generation of Miracles si Tetsuya Kuroko, ang bida ng palabas.

Pero matapos ang graduation, naghiwa-hiwalay ng landas ang pinakamalalakas na manlalaro ng Japan. Pumasok si Kuroko sa Seirin High School para simulan ang kanyang misyon na talunin ang Generation of Miracles.


Hindi mo pa ba napapnood ang Jujutsu Kaisen 0? Maaaring makabili ng ticket dito.

I-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita, guides, at highlights tungkol sa anime.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: 5 Naruto facts na kailangan mong malaman