Napakabilis sumikat ng anime sa buong mundo at halos lahat ay ng bagay ay anime-fied na. Mayroong slice of life cooking series, matinding swimming drama at tila educational show base sa cells sa loob ng katawan ng tao.

At dahil maraming palabas ang nagtatampok ng mga paborito nating karakter na dumadayo sa mga malalayong lugar, gaumagamit sila ng mga barko na nag-exist na sa anime universe nang mas matagal kaysa sa kapanakan ng ilan sa inyo.

Bilang pagbubugay sa mga malulupit na sasakyang pandagat na ito, gumawa ako ng listahan ng pinakamamahal nating anime ship.


Ang 3 pinaka-astig na anime ship para sa amin

3. Fire Nation Cruiser – Avatar: The Last Airbender

Screenshot ni Fox Vergara/ONE Esports

Ang barko na madalas makita sa Avatar: The Last Airbender, ang Fire Nation Cruiser ay isang staple military vessel ng kahindik-hindik na Fire Nation.

Binubuo ng steam-powered, iron clad ships na ito ang matibay na navy ng Fire Nation. Dala ng mga warship na ‘to ang iba’t-ibang armas para sa sea-based warfare at nagsisilbi ring transport vessel para sa ground-based units. Ginagawa rin itong tirahan ng mga sundalo, tangke at komodo rhinos.

Pasok sa top 3 anime ship ang Fire Nation Cruiser dahil sa nirerepresenta nito sa Avatar: The Last Airbender. Hindi lang sila basta barko. Kapag may isang cruiser na lumabas, senyales ito ng matinding panganib.

Alam ng fans na may makaling navy ang Fire Nation. At ang takot na naramdaman mo nang makita ang napakaraming Fire Nation cruiser ang dahilan kung deserving itong masali sa listahan.


2. Lord Boros’ Airship – One Punch Man

Screenshot ni Fox Vergara/ONE Esports

Tutungo tayo sa himpapawid ngayon kasama ang nakakabaliw na airship ni Lord Boros na unang lumabas sa Episode 10 ng One Punch Man

Kaiba ang hugis kumpara sa karaniwang airship, ang kinatatakutang flying vessel na ito ang ginagamit nila Lord Boros at kanyang mga alagad para makabyahe sa space. Kaya ng airship na ‘to na burahin ang isang buong siyudad sa loob lang ng ilang segundo sa pamamagitan ng daan-daang libong bala mula sa katawan nito.

Noong unang beses kong nakita ang airship ni Lord Boros, namangha ako rito dahil sa design at angking laki nito. Kung titignan lang, isa itong visual definition ng isang weapon of mass destruction. Kung makakita ka nito sa langit, hindi ba’t maiisip mong katapusan na ng buhay mo?

Mabuti na lang at nandiyan si Saitama.


1. Going Merry – One Piece

Ang Going Merry ay isang anime ship
Screenshot ni Fox Vergara/ONE Esports

Walang kwenta ang isang pirata kung wala siyang barko. At ang Going Merry ni Captain Monkey D. Luffy ng One Piece na siguro ang pinaka-astig at pinakamamahal na anime ship.

Ito ang pinaka-unang full-sized ship na pagmamay-ari ng Straw Hat Pirates. Bagamat kung tutuusin ay isa lang itong simpleng barko, itinuring ni Luffy bilang isa sa mga crew member ang Going Merry dahil napakadaming paglalakbay na kasama ito.

Sa kasagsagan ng kanilang paglalakbay, nag-develop ng sariling kaluluwa ang Going Merry dahil mahal na mahal at pinangangalagaan siya ng Straw Hat Pirates. Ang pagmamahal na ito ang nagbigay buhay sa Klabautermann, isang water spirit/fairy na nabubuhay sa mga inalagaang barko. Sa mga oras ng pangangailangan, niligtas ng maliit na spirit na ‘to sila Luffy upang makapagpatuloy sa kanilang paglalakbay.

Sa kasamaang palad, naabot ni Going Merry ang kanyang hangganan at binigyan ng viking’s funeral na siguradong nagpaiyak sa napakaraming anime fans.

Rest in peace, Merry.


Ito’y pagsasalin ng akda ni Danelie Purdue ng ONE Esports.